Yaz feel be like
Kung tutuusin para sa 'kin, isa na itong himala,
Ngayon sa paningin n'ya'y 'di ako isang balewala,
Kaya ang ngiti sa aking mga labi ay 'di mawala wala.
Pero sa kabila ng lahat ng ito, ako'y nababahala.Sa ngayon sa kanyang tabi ako'y masaya,
Sa kagustuhan n'ya ilang beses akong nagpaubaya,
Hindi ko alam ano masasabi ng aming pamilya,
Lalo pa't 'di ko mawari nilalaman ng isip n'ya.Katuparan na nga ba ito ng isa sa mga pangarap ko?
Na mula sa kanya'y makakarinig na ko ng isang pangako,
May patutunguhan ba ang kami, na maging s'ya na at ako,
O bandang huli ay aasa na naman ang isang tulad ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...