Chapter 7

209 1 0
                                    

Yaz feel be like

Hinintay n'ya ko matapos kumain,
Pati mga  maleta ko nagawa n'yang dalhin,
Napakalaki naman nitong kuwarto,
Ako lang naman ang gagamit nito.

Ako raw ay namiss n'ya,
Namiss ko rin naman s'ya,
Sa binalak n'ya hindi ko s'ya naawat,
Alam ko ginagawa namin ay hindi dapat.

Nadala na naman ako ng aking damdamin,
'Di ko alam kung ano bang relasyon ang namamagitan sa amin,
Basta ang malinaw sa akin ay mahal ko s'ya,
Hindi ako sigurado kung ganon din ang nararamdaman n'ya.

Muli namin pinagsaluhan ang tamis ng sandali,
Alam ko sa aking sarili na ito'y maling mali,
Nawawala na ko pag s'ya'y aking kasama,
Hindi ko na naalala kung ito ba ay tama.

Sa kanyang mga ikinikilos ako'y naninibago,
Pero ang kasiyahan sa puso ko ay hindi ko maitago,
Ilang beses na ko isinuko ang sarili sa kanya,
Tulad ko ano nga ba sa buhay n'ya.

Dahil sa akin may nawalan ng trabaho,
Sila ni Keziah ay bahagyang nagtalo,
Hindi ko naman alam na nandito sila,
Tinanggal ni Maxwell dahil ako ay binastos nila.

Hindi ko alam kung hanggang kelan kami ganito,
Sa ngayon namamagitan sa amin ako'y nakukuntento,
Masaya kong makita ang ngiti sa kanyang mga labi,
Kapag ako ay nasa kanyang tabi.

Sana palagi na lang kaming ganito,
Alam ko kung bakit ako narito,
Si Maxpein ako'y pinakiusapan,
Nurse kasi ay kanyang kailangan.

Ayaw pa n'ya ko papasukin,
Sabi ko magagalit si Maxpein,
Pinatahi n'ya raw ang uniform ko,
Sa susunod na mga araw magsisimula na ako.

Sa mga sinabi n'ya sa akin, ako'y naguguluhan,
Hindi ko iyon labis na maintindihan,
Commitment na raw ang gusto n'ya,
Ang totoo ay nalilito na ko sa kanya.

"I want you Yaz" ang huli n'ya sinabi,
Habang nakatingin sa aking mga labi,
Si Maxwell mahal na mahal ko s'ya,
Handa na ba ko na  masaktan n'ya.

Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejijiजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें