Isang panganay at isang bunso,
Bunso na tumitibok na ang puso,
Kelan nga ba ito nagsimula?
Dahil sa kapatid kaya s'ya nakilala.Ang agwat sa isa't isa ay napakalayo,
Ano ba ang tamang edad para manuyo?
Isang babaeng may pagka maingay,
Pero nagmamahal ng tunay.Isang lalaki na may pagka makulit,
Tunay na nadarama itinago ng pilit,
Isang babae na maalaga ,
Naghahanap ng magpapahalaga,May umusbong sa kanyang damdamin,
Na sa kanya malapit na n'yang maamin,
Third born Del Valle ay nagbago,
Damdamin ay hindi na kaya pang itago.Makikita mo na ang lungkot sa mga mata,
Dahil sa pilit na itinatagong pagsinta,
Damdamin handa na nga bang ipaglaban,
Kung sariling kapatid ang makakalaban.First born Marchessa na maaasikaso,
Ilang beses nga ba masasaktan ang puso,
First born Del Valle kaya n'ya bang kalimutan,
At third born Del Valle ay kanyang pagbubuksan?
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...