Chapter 9 (Yaz)

375 4 0
                                    

Yaz feel be like

Nag-aalala s'ya at tinatanong kung ayos lang ako,
Sa una hindi ko alam ano ang sasabihin ko,
Ayoko na mahalata n'ya ang aking pagkabalisa,
Nangangamba ko na s'ya'y mangulit at mag-usisa.

Mabuti at s'ya'y aking nakumbinsi na ako'y papasok,
Nang makita ko si Keziah, sa inis gusto ko ng umusok,
Sinamahan n'ya ko at inorient ako sa buong ospital,
Kung maari lang sana ay ayoko s'ya makasama ng matagal.

Kung makipag-usap s'ya sa 'kin ay parang sa isa't isa kami'y malapit,
Kung alam n'ya lang kanina ko pa gustong magsungit,
Alam ko wala akong karapatan na magalit at magselos,
Sa mga kilos nararapat na hindi ako magpadalos-dalos.

Inilagay pa ko ni Keziah sa bagay na hindi naman ako sanay,
Kaya naman itong si Maxwell, hinawakan aking kamay,
Pumayag na ko kahit na masakit sa aking kalooban,
Kaya sa desisyon at gusto nila ay 'di na ko nakipaglaban.

Sa tinutuluyan ni Maxwell,ako ay sumama,
Nakilala ko na rin kung sino si Wilma,
Kay Maxrill pinipigilan namin 'wag matawa,
Sa alaga n'yang manok na niluto kasi awang-awa.

Pinilit kong pumasok at umakto na masigla,
Ang inis sa aking isip ay 'di mawala,
Wala ang puso ko sa bago kong gagawin,
Nagbalik ako sa simula at dapat ko muling aralin.

Sa cafeteria pumasok silang sabay ni Keziah,
Sinasabi nila na bagay na bagay sila,
Hanggang sa sumingit na ko sa pinag-uusapan,
Kulang na lang talaga sila'y aking irapan.

Lumipat ang iba sa aming mesa,
At sa akin panay na ang pag -uusisa,
Kay Maxrill ay lakad ko raw sila,
Ibang doktor, sa 'kin gustong makipagkilala.

Ramdam ko ang talim nang tingin n'ya sa akin,
Kaya naman tumayo na ko at nagpaalam na rin,
Nakita namin si Maxrill na kumakanta,
Parang walang paki sa nakakarinig at nakakakita.

May mga dumating na mga lalaki at kanyang nilapitan,
Tama, s'ya si Montrell at hindi ko iyon nalilimutan,
Si Maxwell ang kanyang sadya at hanap,
Tinatanong n'ya sino ba itong kanyang kaharap.

Sa tinig nang pagsagot ni Maxrill tila ako'y kinakabahan,
May ibinulong si Montrell sa kanyang mga tauhan,
Gusto ko sanang sundan si Maxrill,
Pero tila sa akin ay mayroong pumipigil.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon