Yaz feel be like
Kung maibabalik ko lang sana,
Kaso ay hindi na,
Iba na ang pakikitungo n'ya,
Naninibago ako sa kanya.Dati rati kami ay naglalaro,
At nagpapalitan pa ng biro,
Turing ko sa kanya ay parang kapatid ko,
Sana nga nagkakamali lamang ako.Ang dating s'ya na aking nakilala,
Ay unti-unti nang nawawala,
Hindi na talaga s'ya bata,
Binata na s'ya na may sinisinta.Kanyang kilos ayoko bigyan ng kahulugan,
Kanyang ate ay aking kaibigan,
Sana ay mali ang aking nararamdaman,
Nasa puso n'ya ako ang s'yang nilalaman.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...