GUSTO KITA

484 7 0
                                    

Maxrill feel be like

Abala ka palagi at sa kanya lamang nakatingin,
Kaya hindi mo ko nagagawa pang mapansin,
Parati ka pang nakasunod saan man magpunta ito,
Kaya 'di mo ramdam mayroon isa rito na sa 'yo'y nagkakagusto.

Bakit 'di mo malingon ang tulad ko na naghihintay sa 'yo,
'Di ka pa ba pagod sa kanya na pilit ka naman pinapalayo,
Nagpapahiwatig na ko na 'di na kita iginagalang bilang ate,
Dahil itinuturing at iginagalang na kita bilang isang babae.

Kung pinapalayo ka na n'ya, pakiusap ika'y sumuko na,
Nandito naman ako at handa kang saluhin tuwina,
Manhid ka na ba, at mahina na kung makaramdam,
"Gusto kita" noon pa hindi mo ba talaga alam.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon