Yaz feel be like
Pag nariyan s'ya ninanamnam ko ang bawat sandali,
Kapag wala s'ya, hindi naman ako mapakali,
Sa buhay n'ya, 'di ko alam sino nga ba ako?
Hanggang ngayon umaasa ako na makakarinig ng pangako.Ilang beses na nga ba ko umiyak ng palihim,
Ilang beses ko na itinago ang aking kinikimkim,
Ilang beses na ba ko umasa na s'ya'y may pagtingin,
Ilang beses na ba ko naduwag na s'ya'y tanungin.Puso at damdamin ko ay patuloy na nangangamba,
Na baka ang nadarama namin sa isa't isa ay magkaiba,
Hanggang kelan ko panghahawakan ang natitira kong pag-asa,
Kung madalas naman ako naiiwan n'yang nag-iisa.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...