YAZWELL MOMENTS (HIH)

272 2 0
                                    

Kelan nga ba ang una nilang pagkikita?
Nang sa tinutuluyan ng kapatid s'ya'y nagpunta,
Balak na n'yang maupo ngunit may sumita,
Isang babae na ngayon lang n'ya nakita.

Ate pala ng kaibigan ng kapatid n'ya,
Mukhang maingay din katulad ni Naih,
Unang beses pa lang sinungitan na s'ya,
'Di mawari pinasabay n'ya ito sa kanya.

Pati ang bunso nila ito ay napansin,
Girlfriend ba raw n'ya nang s'ya'y tanungin,
Hindi, nang kanyang sagutin,
Pagsasalita nila nahirapan itong unawain.

Sinama ito ni Maxpein sa mansion nila,
Hindi kataka-taka na mag kapatid sila,
Pareho silang may pagka maingay ni Naih,
Kaya naman ay umingay nasa kanila.

Nang minsan naospital s'ya ito ay nagbantay,
Nandoon at sa kanya ay patuloy na nagtataray,
Kapareho ni Naih na sobrang ingay,
Napapansin lahat ng mga bagay.

Mga ate pala ang kanyang nagugustuhan,
Isa rin s'yang ate kaya huwag n'yang kalilimutan,
Sa narinig bahagya s'yang natigilan,
Hindi n'ya itinanggi na rito s'ya'y nagagandahan.

Tila sa Palawan din ang kanilang simula,
Isa lamang simpleng alaala,
Nang alisin ang buhangin sa kanyang mga paa,
Hindi nila pinansin ang panunukso sa kanila.

Naging libangan na n'ya na ito'y asarin,
Dito s'ya'y nagsusungit na rin,
Sa kanya nagsisimula na itong magpapansin,
Kapag wala ay hinahanap hanap n'ya rin.

Sa isang okasyon sa pagsayaw ito'y kanyang niyaya,
Halatang ito'y nagulat sa ginawa n'ya,
Si Randall ay may nanunuksong tingin sa kanya,
Dito ay palihim na tinutukso s'ya.

Mga kapatid n'ya ito ay sobrang kasundo,
Sa kanya ay nagpapansin na ito ng todo,
Mahusay din ito sa pagluluto,
Si Maxrill laging kalaro nito.

Nagseselos ito kay Keziah,
Naging malapit ito sa kanya,
Halata na ito'y nasasaktan n'ya,
Si Yaz ay mahal na nga s'ya.

Matapos ang limang taon,
Muli magkikita na sila ngayon,
Maraming nagbago mula noon,
Pero sa puso nito, s'ya pa rin ang nilalaman non.

Kapatid n'ya ay mas better na raw sa kanya,
Parang puso't isip n'ya yata ay nadismaya,
Lalo pa nang mapanood n'ya na mga ito ay masaya,
Bumawi ito nang sabihin na the best raw s'ya.

Naayos na ang lahat sa Palawan,
Silang lahat ay nagkasiyahan,
Si Keziah ay bahagyang nasaktan,
Ito matindi n'yang pinagseselosan.

Lagi n'ya pa ring binibiro ito,
Damdamin sa kanya nananatiling ganito,
Kahit na nasasaktan nananatiling nandito,
Nandito na umaasa at naghihintay sa kanya rito.

Seryoso na ito sa nadarama,
Bawat sandali gusto s'ya makasama,
Pinayuhan pa ng kapatid n'ya,
Mag-aaral muli ito nang dahil sa kanya.

Sa pagbabalik muli nila,
Maraming nagbago sa kanila,
Sa kanilang mga kilos ito'y nagigitla,
Pinto ng kanilang kuwento malapit na bang magsimula?

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon