Yaz feel be like
Batid ko na matagal mo nang alam,
Na pag-ibig mo ay aking inaasam,
Sa oras mo tila ako'y nanghihiram,
Pag-aalinlangan mo ay aking ramdam.Sino nga ba ako para iyong mapansin?
Magkaibigan lang naman mga kapatid natin,
Ako nga lang itong desperada at papansin,
Napipilitan ka nga minsan na ako'y kausapin.Naging tanga na ko sa pag-ibig noon,
Aaminin ko, baka maulit na naman ngayon,
Di ko alam kung bakit nga ba ko ganoon,
Masaya na kahit sa kakarampot na atensyon.Di ko alam kung kelan ako gigising,
Sa aking labis na pagkahumaling,
Nagiging sapat na sa 'kin, ika'y makapiling,
Ang pahalagahan mo patuloy ko pa ring hinihiling.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...