Maxwell feel be like
Hindi na katulad ng dati,
Sa tuwing nakikita ako, ika'y napapangiti,
Sa akin nagpapansin ka noon parati.Alam kong ika'y aking nasaktan,
Ang nangyari ay mahirap ng mapalitan,
Batid ko nais mo na kong kalimutan.Ilang beses kita napaiyak,
Puso mo aking nabiyak,
Iyon ang aking natitiyak.Aking nadarama hindi ko malinawan,
Wala kong pangako na mabitawan,
Limot mo na ba mga alaala natin sa Palawan.Iyong nadarama ay inihinto,
Kaya ikaw ay naririto,
Pinagsisihan ko na lahat ng ito.Iba na paraan ng iyong tingin,
Kita ko nawawala na ang dating pagtingin,
Hindi na ba katulad ng dati, nais sana kitang tanungin.Dati na ngalan ko ang maya't maya mong bukambibig,
Malaya mong sinasambit na ako ang iyong iniibig,
Wala na ba ang tamis na iniaalay mong pag-ibig.Aking labis na namimiss,
Ang ngiti mong matamis,
Dating Yaz, na mahal ako ng labis.
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...