MAXWELL LAURENT

210 1 0
                                    

Libangan n'ya ay magbasa ng libro,
Iba rin s'ya kung magbiro,
Mapagmahal din s'yang kuya,
Si Maxpein ang prinsesa n'ya.

Makilatis sa mga kagamitan,
Mga babae ay kanya rin sinusungitan,
Pero nagmahal na pala s'ya dati,
Bibihira rin s'ya kung ngumiti.

Kabaliktaran ng ugali ng kaibigan n'ya,
Aminado naman na may pagkasuplado s'ya,
Minsang minahal ang babaeng ngalan ay Dein,
Lalaking tahimik pero may pagkaseloso rin.

Nakilala n'ya ang kapatid ni Zarnaih,
Ang unang sabi n'ya rito ay maarte s'ya,
Katulad ng kapatid ito rin ay maingay,
Sabi ni Maxpein sa kanya sila ay bagay.

Hinahanap ang katulad ng kanyang prinsesa,
Na palaban, ito na nga ba ay si Marchessa,
Lalaking antipatiko at seryoso,
May bago na bang nilalaman ang puso?

Maxwell Laurent ang pangalan n'ya,
May pagkaistrikto rin s'ya,
Nakahanap na ba ng babaeng katapat?
Kailan ba s'ya magmamahal hinihintay ng lahat.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now