Chapter 8 (Maxrill)

393 6 0
                                    

Maxrill feel be like

Batid ko na 'di na naman n'ya inaasahan,
Kaya heto s'ya at muling natitigilan,
S'ya'y aking mabilis na nilapitan,
Bulaklak s'ya'y aking inabutan.

Natinag s'ya at ako'y pinasalamatan,
Sa kuya ko galing aking kasagutan,
Sa pagitan namin tila ay may ilangan,
Mabilis lang kami nagkamustahan.

Bubuhatin ko na kanyang mga kagamitan,
Subalit sa kanyang bag ako'y kanyang pinigilan,
Pero nagpumilit ako, Kaya ako'y kanyang hinayaan,
Sa paglalakad ako'y kanyang sinundan.

Pagkakita n'ya sa aking sasakyan,
S'ya'y namangha at ito'y pinagmasdan,
Sa pagsakay dito, s'ya'y aking inalalayan,
Sa loob nito ay namayani ang katahimikan.

Nagbubukas s'ya ng bagay na maari naming pag-usapan,
Akala n'ya yata ay hindi ko s'ya pinakikinggan,
Nagkukuwento s'ya sa mga bagay na kanyang nahihiligan,
At isa nga sa mga ito ay damit at lumang sasakyan.

Nagpatugtog ako at s'ya'y natigilan,
Umaangil s'ya na medyo naiingayan,
At musikang ganon daw ba aking nahihiligan,
Napipilan s'ya sa mga sagot ko sa kanyang katanungan.

Huminto kami sa kanyang tutuluyan,
Sa kanyang mga gamit s'ya'y tinulungan,
Muli ako ay kanyang pinasalamatan,
Ito raw ay kanyang nagustuhan.

Sagot ko si kuya ang kanyang pasalamatan,
Ito ang nag-ayos ng kanyang mga magugustuhan,
Lumapit s'ya sa aking kinatatayuan,
Galit ba raw ako o nagugutom iyon ang kanyang katanungan.

Tinatanong ko s'ya, kung bakit s'ya tumuloy sa space ni kuya,
Sagot n'ya,na ito raw ang nag-aya sa kanya,
Sa pagkasabi n'ya halatang s'ya'y nahihiya,
Pumunta sa ospital, s'ya'y aking inaya.

Sasama raw s'ya, 'wag ko raw s'ya sungitan,
Kahit naman magsungit ako, sasama s'ya pero 'di naman ako ang dahilan,
Dagdag ko pa nagseselos ako, kaya s'ya'y naguluhan,
Iniba ko na lang ang aming usapan.

Sa ospital si Maxwell ay niyakap ako,
Naupo naman s'ya sa tabi ko,
Si Maxwell nagsimula ng mag-usisa ng kahit ano,
Nagulat s'ya nang halikan nito kamay n'ya at noo.

Nang makaalis ito ako ay kanyang sinamahan,
Sa bawat madaanan namin s'ya'y nagagandahan,
Natigilan ako sa bigla n'yang katanungan,
Lumingon ako at kanyang mga mata ay aking tinitigan.

Usisa pa n'ya kung mayroon akong kasintahan,
Sagot ko sa kanya ang love at crush ay magkaiba ang kahulugan,
Pangarap ko lang noon makita at makausap aking hinahangaan,
Pero ang ligawan ito ay akin nang pinag-iisipan.

Kinagabihan sama-sama kaming naghapunan,
Aking kuya inaasikaso s'ya sa aming harapan,
Lumabas ako sa restaurant na aming kinainan,
Sa isang puno sumandal ako at si Hee yong aking kinantahan.

Lumingon ako sa kanyang kinatatayuan,
Nagsorry s'ya at ako'y kanyang tinalikuran,
Tumugtog ako muli at s'ya'y natigilan,
Lumingon s'ya sa akin nang marahan.

S'ya ay aking kinantahan,
Humahakbang ako para s'ya'y lapitan,
Sa kanyang itsura tila s'ya'y kinakabahan,
Hinawakan ko ang kanyang pisngi, saka ko s'ya hinalikan.

Para sa kanya 'di pagmamahal ang aking nararamdaman,
Pero isang bagay lang ang alam kong kasiguraduhan,
Na higit pa ito sa isang simpleng hinahangaan o nagugustuhan ,
At puso't damdamin ko ay mayroon ng nilalaman.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now