Chapter 6

891 13 0
                                    

Yaz feel be like

Ngayon nagsisimula na kong malumbay,
Pagkat kaming dalawa ay muling nagkawalay,
Sa mga bagay na aking gagawin ay nanamlay,
Wala naman magawa sino ba ko sa kanyang buhay.

Mabuti pa sila ay masaya na sa pamilyang nabuo,
Samantalang ako sa nakaw sandali lang nakontento,
Aming pinagsaluhan s'yang pinanghahawakan ko,
Kahit na wala naman s'yang binitawang anumang pangako.

Si Maxpein naisipan akong kamustahin,
Parang sa akin may nais s'yang tanungin,
Iniba na lamang n'ya usapan namin,
Namimiss na raw nila aking mga lutuin.

Mabilis lumipas ang araw at mga buwan,
Magmula na sila ay nagtungo sa Palawan,
Ni minsan di man lang n'ya ko tinawagan,
Ni di man lang ako sumagi sa kanyang isipan.

Sarili ko sa trabaho na lamang inabala,
Kahit na napapadalas aking pagkakatulala,
Minsanan na lamang ako kung gumala,
Sa kanya ay labis akong nangungulila.

Sila Maxpein ay bumisita sa aming tahanan
Sila ng kapatid ko ay nagkuwentuhan at nagkumustahan,
Samantalang sina Deib at Lee ay masayang nag-aasaran,
Pagpunta ni Maxrill doon ay di namin pare-pareho inaasahan.

Kanyang ate ay di n'ya tinatapunan ng pansin,
Ang kanyang atensyon at paningin nasa akin,
Lahat ng paningin nila ay nakatuon sa amin,
Ako ay kumilos at sinimulan s'yang asikasuhin.

Niyayaya n'ya ko magdate daw kami kinabukasan,
Sagot ko may duty akong dapat  na pasukan,
Ihahatid na lang daw n'ya ko sa pinagtratrabuhan,
Pumayag na lang ako at di na s'ya tinanggihan.

Sa wakas nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya,
Puso at damdamin ko ay nabalutan ng saya,
Kung alam n'ya lang ay miss ko na talaga s'ya,
Sa kanyang mga inaasta nagdudulot sa kin ng ligaya.

Maaga si Maxrill para ako sana ay sunduin,
Isang tao ang nagpagulat  ng labis sa amin,
Si Maxwell lang naman ay nasa harap na namin,
Lungkot sa mata ni Maxrill ay di nakaligtas sa akin.

Di ko maintindihan ang takbo ng kanyang isipan,
Umuwi s'ya rito galing lang naman sa Palawan,
Nahihiya ko kay Maxrill s'ya ay aking nasaktan,
Kaya mamaya s'ya ay aking tatawagan.

Sa loob ng kanyang kotse s'ya'y aking pinagalitan,
Pinababalik ko na rin s'ya agad sa Palawan,
Ang kanyang ginawa sa kapatid ay di ko nagustuhan,
Kaming dalawa ay nagkakaroon na ng tampuhan.

Di ko alam na ako ay kanyang hihintayin,
Tapos doon s'ya natulog at di pa pala nakain,
Nagulat ako nang kanyang nagawang yakapin,
Sinuway ko s'ya kasi ang lahat ay nakatingin sa amin.

Pagdating namin sa kanila pinagluto ko s'ya ng hapunan,
Dinala ko sa kanyang kuwarto at aming pinagsaluhan,
Maaga s'yang gumising at umalis agad kinabukasan,
Sumunod ako dahil magtratrabaho na ko sa Palawan.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now