Chapter 8 (Yaz)

427 5 0
                                    

Yaz feel be like

Ilang araw na rin ang patuloy na dumadaan,
Hindi na muli nabuksan ang huli naming napag-usapan,
Natatakot akong alamin ang kanyang nararamdaman,
Sa sitwasyon namin wala man lang matinong ligawan.

Aminado ako ang suyuin n'ya nais kong maranasan,
Sa tuwing nag-iisa ko, doon ko lang napag-iisipan,
Na natatalo ako kapag puso ko na ang pinag-uusapan,
Napapatiklop ako nitong aking nararamdaman.

S'ya ay narito at 'di ko iyon inaasahan,
Nag-abot s'ya ng bulaklak kaya ako natigilan,
Inabot ko iyon at s'ya'y aking pinasalamatan,
Sa kuya n'ya raw galing tangi n'yang kasagutan.

Sa pagitan namin ay namayani ang katahimikan,
Binitbit n'ya ang lahat ng aking kagamitan,
Ang aking bag ay 'di n'ya binitawan,
At inilagay sa likod ng kanyang sasakyan.

Namamangha ako sa kanyang kakayahan,
Pareho kami ng interes sa lumang sasakyan,
Pero pansin ko ay kanina pa n'ya ko sinusungitan,
'Di ko mawari kung sa kanya mayroon ba kong kasalanan.

Hindi ako sanay na ganito sa 'kin si Maxrill,
Sa pagsasalita ay hindi ako tumitigil,
Nagpatugtog s'ya kaya naman ako ay natigil,
Malakas ang tunog kaya ko napaangil.

Sa paglalakad s'ya'y aking sinusundan,
Hinatid n'ya ko sa aking tutuluyan,
Tinanong ko s'ya kung bakit n'ya ko sinusungitan,
Nagseselos daw s'ya tangi n'yang kasagutan.

Sa ospital kuya n'ya  ay aming pinuntahan,
Nang magkita sila'y nagyakapan,
Nakikinig lang ako sa kanilang usapan,
Sa inasta ni Maxwell ako'y natigilan.

Kami lang ni Maxrill ang naiwan,
Kaya sila ni Hee yong ay aking sinamahan,
Tinanong ko s'ya kung mayroon ng nililigawan,
Sa kanyang mga naging sagot ako'y natitigilan.

Nag-ayos na ko sa kuwarto kinagabihan,
Si Maxwell ako'y pinuntahan,
Sabay daw kami maghapunan,
Kasama si Keziah na 'di ko inaasahan.

Inaasikaso n'ya ko sa kanilang harapan,
Kaya naman may ilang akong nararamdaman,
Silang dalawa ni Keziah ay may pinag-uusapan,
Nagpaalam akong lalabas, gusto pa n'ya kong samahan.

Sa aking paglalakad nakita ko s'ya sa 'di kalayuan,
Hawak ang isang gitara, si Hee yong kinakantahan,
Hanggang sa mapatingin s'ya sa aking kinatatayuan,
Nagpaumanhin ako at s'ya'y tinalikuran.

Sa aking pag hakbang ako'y natigilan,
Parang ako na ang kanyang kinakantahan,
Ako'y kanyang nilapitan, mukha ko hinawakan,
Hinalikan n'ya ko sa pisngi, kaya napako ako sa aking kinatatayuan.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now