Maxrill feel be like
'Di ko akalain na sa 'yo ako ay mahuhulog,
Laman ka ng aking isip hanggang makatulog,
Ako ay isa noong binatilyo na di mo napapansin,
Pagkat kay hyung ka mayroong pagtingin.Sa aking pagsasalita ngayon ika'y namamangha,
Kita-kita ko ang pagkabigla sa iyong mukha,
Atensyon at pagtingin mo gusto kong makuha,
Nais ko sabihin sa piling ko di ka luluha.Ngayon lahat ay unti-unti ng nagbabago,
Damdamin ko para sa 'yo ay di ko na maitago,
'Di na ko bata na mahilig lang kumain ng nuggets,
Mga pahiwatig ko sa 'yo sana iyo na ring magets.'Di na ko si Maxrill na tila napakainosente,
Dati turing ko pa sa 'yo ay isa ko ring ate,
Mayroon na kong isang hopeless crush,
At ang pangalan n'ya ay Zaimin Yaz.'Di ko rin inakala ang aking nararamdaman,
Basta ang puso at isip ko, ikaw ang nilalaman,
Para sa akin ay di na kita tinuturing na noona,
Pagkat ang nais ko ay mapansin mo ko tuwina.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoesiaAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...