Yaz feel be like
Tingnan mo ang aking mga mata,
May nababasa ka ba aking sinta,
Pinapanalangin na iyong makita,
Na gustong gusto na talaga kita.Ilang hakbang ang ating distansya,
Nakangiti ka kapag kasama mo s'ya,
Nakikita ko sa mga mata mo ang saya,
Sino nga ba ko kumpara sa kanya?Wala naman akong karapatan sa 'yo,
Sapagkat wala namang salitang tayo,
Kung pagmamasdan mas bagay nga kayo,
Kaya naisipan ko nang sumuko at lumayo.Di ko alam kung bakit pa tayo nagtagpo,
Sa una pa lang, di na ako ang iyong tipo,
Sa mga pinakita mo sa akin naging masaya na ko,
Nakontento na kahit wala kang binitawang pangako.Di ko itinatanggi na ako ay isang assumera,
Ngunit ang gusto mo ay s'ya isangmagaling na doktora,
Kaya siguro ang puso mo sa akin ay nakasara,
Ano nga ba ang tulad ko kung sa kanya ay iyong ikukumpara?
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...