Chapter 1 (Maxwell)

255 0 0
                                    

Maxwell feel be like

Kitang-kita ko sa kanyang mga mata,
Na masaya s'ya nang ako ay makita,
Halata ang pagtataka sa kanya,
Nang si Maxrill ay tawagin s'ya.

Hindi na kasi noona ang tawag sa kanya,
Kay Maxrill ay naninibago na s'ya,
Pero makikitang na s'ya'y masaya,
Pagkat si Maxrill ay niyakap n'ya.

Ramdam ko na sa akin s'ya'y nakatingin,
Lumangoy lang ako at hindi sila pinansin,
Hanggang sa pag-uusap sila'y nawili na rin,
Umahon na ko at nagawa ko na lang silang tawagin.

Sabay-sabay kaming lahat na naghapunan,
Sinisipat ko ang mga kubyertos sa aking harapan,
Pag-aaral ng dalawang kapatid ko ang kanilang usapan,
At si Maxrill nagawa lamang nilang pagsabihan.

Abala s'ya sa paghuhugas nang lapitan ko s'ya,
Hindi ko akalain, na pag-aaral ay seryosohin n'ya,
Sa mga sinasabi n'ya sa akin ay hindi ako naniniwala,
Halata sa reaksyon n'ya na bahagya s'yang nabigla.

Kinabukasan halata ang gulat sa kanyang mga mata,
Dahil sa ospital ay hindi n'ya inaasahan na kami'y magkikita,
Habang abala s'ya sa pakikipag-usap sa kaibigan n'ya,
Lumapit ako at bumulong ng "Keep breathing then" sa kanya.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now