Yaz feel be like
Matagal tagal na rin ako rito sa Laguna,
Naaalala ko pa noon pinapauwi pa ko ni Naih,
Kay Deib Lohr pa nga ko unang nagwapuhan,
Pero si Maxpein ang kanyang nagugustuhan.Di nagtagal ay nakilala ko naman s'ya,
Isa s'yang matalino at sweet na kuya,
Noong una pa nga s'ya'y aking sinungitan,
Yon ang araw na di ko basta malilimutan.Akala pa nga ni Maxrill ako ay kanyang kasintahan,
Paano ba naman iba ang halina ng aking kagandahan,
Aming mga kapatid ay parati kasing magkasama,
Di naglaon unti ng nagbago ang aking nadarama.Sa kanya ay nag-uumpisa na kong humanga,
Kahit madalas sa harap n'ya ay nagmumukha kong tanga,
Dahil sa kanya muling susugal ang aking puso,
Parati ko na s'yang inaasar at tinutukso.Ewan ko ba sa kanya lang ulit ako kinikilig,
Pagbabasa ng libro ang kanyang hilig,
Masaya na ko pag kinakain n'ya ang aking luto,
Basta tanging alam ko s'ya ay aking gusto.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
ČTEŠ
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoezieAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...