Yaz feel be like
Umuwi na ko at nagpadestino na rito sa amin,
Pero tila naiwan ang puso ko't damdamin,
Hindi ko alam kung tuluyan na ba kong sumuko,
Napapaisip pa rin kung namimiss ba n'ya ko.Dito marami nang nais manligaw sa akin,
'Di ko alam may bahagi sa puso ko na umaasa pa rin,
Kahit napakamalabo na ako'y kanyang naaalala,
'Di ko maiwasan malungkot dahil malayo na ko sa kanila.Sarili ko ay unti-unti ko na rin sinasanay,
Na hindi ako parte ng kanyang buhay,
Dahil kahit anong gawin ko ay hindi n'ya ko gusto,
Kahit napakasakit marinig pero iyon ang totoo.May nagpadala ng bulaklak at kape para sa akin,
"Mr.Best", ang nakasulat sa card nang aking basahin,
Hangga't maaari ayokong paasahin ang aking sarili,
Dahil sa aming dalawa, ako na naman ang magiging talo sa huli.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...