YAZRILL MOMENTS (LWL) Chapter 1 to 9

249 0 0
                                    

Sa pagbabalik nila,
Nagbago na ang lahat sa kanila,
Iba na s'ya sa Maxrill na kanyang nakilala.

Kung dati ay noona ang tawag sa kanya,
Ngayon ay hindi na, akala ay nabibingi na s'ya,
Yaz na lang, kung ito'y tawagin n'ya.

Magiliw n'ya itong binati,
May kasama pang matamis na ngiti,
Iba na s'ya sa Maxrill na kumakain lang parati.

Isa na s'yang binata na maangas,
Sa motor ay mabilis s'yang inangkas,
Gusto pa sunduin sana si Yaz.

Iba ang tono ng kanyang pagsasalita,
Sa kanya si Maxwell ay naiirita,
Nagsusukatan ng tingin ang kanilang mata.

Bakas sa mata ni Yaz ang pag-aalala sa kanya,
Pati makakain ay pinagkuha pa s'ya,
Para makatabi rito kumuha s'ya ng silya.

Sa pagsayaw ito walang gatol na niyaya,
Kamay ni Yaz ay hinawakan pa n'ya,
Wala s'yang pakialam sa reaksyon ng kanyang kuya.

Kasayaw na n'ya ang babaeng kanyang pinapangarap,
Hangga't maari mata n'ya ayaw na n'yang ikurap,
Habang nagsasayaw sila ay nag-uusap.

Maayos na sana, ngunit nandon ang kanyang kuya,
Sa pagbibigay ng laruan balak pang unahan s'ya,
Bago s'ya magpaalam, hinaplos pa ang pisngi n'ya.

Nais sana n'yang ihatid pa ito,
Si Maxpein sinaway s'ya nito,
Natakot naman s'ya rito.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now