Chapter 6

230 4 2
                                    

Yaz feel be like

Sa kanya ako ay nangungulila,
Masyado na yata s'yang abala,
Simula nang nagtungo sila sa Palawan,
Dalawang buwan na hindi ako tinawagan.

Sarili ko ay pilit kong inaabala,
Para hindi ko na s'ya maalala,
Lumalabas din ako minsan,
Para pangungulila ay aking makalimutan.

Tumutuloy ako sa bahay nina Naih,
Sa mansion nila kasi naaalala ko s'ya,
Binisita ni Maxpein ang kapatid ko,
Nakakatuwa talaga ang anak nito.

Abala silang apat sa pagbibiruan,
Ako ay nakikinig lang naman,
Itong si Deib ay napansin ako,
Biniro lang naman ako nito.

Kami lahat ay natigilan,
Si Maxrill ay dumating lang naman,
Hindi n'ya kinausap si Maxpein,
At mabilis itong lumapit sa akin.

Mas natigilan kami sa inakto nito,
Nilapitan ako hinalikan ang buhok ko,
Inalok ko s'yang kumain,
Lahat sila sa amin nakatingin.

Si Maxpein tahimik na nakasamid,
Sa amin nang kanyang kapatid,
Pare-pareho kaming naguguluhan,
Inaakto nito ay hindi ko maintindihan.

Pati sa kusina ay sinundan n'ya ko,
Ano ba ang nangyayari rito,
Bukas daw ako ay susunduin n'ya,
Ako ay labis na naninibago sa kanya.

Si Maxwell ako ay tinawagan,
Ang kiligin ay hindi ko mapigilan,
Huwag daw ako papahatid sa kapatid n'ya,
Nagbiro ako, kung nagseselos ba s'ya?

Kinabukasan maagang dumating si Maxrill,
Nag-uusap kami nang bigla kaming natigil,
Si Maxwell ay nandito na kasi sa aming harap,
Hinila n'ya ko at si Maxrill ay kinausap.

Naiwan s'ya, kay Maxrill ay bigla akong naawa,
Sermon ko kay Maxwell 'di ko gusto ang kanyang ginawa,
Ano ba kasi ang ginagawa n'ya dito?
Sabi ko sa Palawan ay bumalik na lang ito.

Sa loob ng kotse wala kaming kibuan,
Ang ginawa n'ya sa kapatid n'ya ay 'di ko nagustuhan,
Nagulat ako, dahil ako pala ay kanyang hinintay,
Sa pagtulog na nakaupo hindi ba s'ya nangalay.

Lahat nang naroon ay sa amin nakatingin,
Lalo na nang ako ay kanyang yakapin,
Ano ba ang nangyayari sa kanya?
Bakit ba nagkakaganito s'ya?

Sa ikinikilos n'ya ako ay naninibago,
Mood din kasi n'ya ay pabago-bago,
Umuwi kami sa kanilang bahay,
Hindi pa s'ya nakain kasi ako ay kanyang hinintay,

Pinagluto ko s'ya at iniakyat sa kanyang kuwarto,
Pinagsaluhan namin ang adobong niluto ko,
Nag-usap kaming dalawa ni Maxpein,
Kahit hindi n'ya hilingin ay aking gagawin.

Nauna na s'ya sa akin dito,
Sa Palawan na ko magtratrabaho,
Sa may lobby ay nakita ko s'ya,
Sino naman itong kausap n'ya?

Hanggang sa ako ay makita nila,
Sa isa't isa kami ay kanilang ipinakilala,
Itong si Montrell ay nakipagkamay sa akin,
At nagawa ko naman itong tanggapin.

Ano na naman ang nangyayari rito?
Nagsusungit na naman sa akin ito,
'Wag daw ako makipagkamay sa iba,
Sinasabi  n'ya ay ano nga ba?

Pag aari n'ya raw ay aking ingatan,
Sa sinabi n'ya ako naman ay natigilan,
Iba talaga itong panganay nila,
Mga sinasabi minsan nakakabigla.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now