Maxwell feel be like
Makakaya ko bang pagmasdan ang iyong paglayo,
Paglayo sa lugar kung saan ako mismong nakatayo?
Makakaya ko ba na sa iyo may iba nang sumusuyo,
At ikaw ay hindi na umaasa na magiging tayo?Makakaya ko bang hilingin nadarama mo manumbalik,
Sa aking piling nanaisin mo pang bumalik?
Makakaya ko bang hindi na maramdaman ang iyong halik,
Aasa ba ko na sa aking tabi ika'y magbabalik?Makakaya ko ba sa 'yo iba na ang nagpapangiti,
Iniisip ko pa lamang puso ko 'y tila'y nahahati,
Makakaya ko ba na kahit simpleng pagbati,
Sa akin ay hindi mo magagawang maiganti.Makakaya ko ba na puso mo ay 'di na akin,
Na ang pagmamahal ko 'di mo na aangkinin,
Makakaya ko ba na iba na laman ng iyong damdamin,
Iisipin ko pa lang masakit na kaya 'di ko na aalamin.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...