YAZRILL MOMENTS (HIH)

224 1 0
                                    

Paano nga ba sila nagkakilala?
Nang bumisita s'ya sa tinitirhan nila,
Sumama s'ya sa ate n'ya,
Sabi pa nito sa kanya ay guwapo s'ya

Kasa-kasama ang ate Maxpein n'ya,
Noon na medyo bata pa s'ya,
Malayo ang edad nila sa isa't isa,
Nagkakilala sila ng ate ni Naih.

Sa isang okasyon muling nagkita,
Kasama ang kuya n'ya na nagpunta,
Sinabihan pa na maganda s'ya,
Na iniba pa ng kanyang kuya.

Tumira ang mga ito sa mansion nila,
Malapit kasi ang magulang nito sa kanila,
Bagamat maingay ay masaya sila,
Bagay na iyon hindi makakaila.

Silang dalawa ang madalas magkasama,
Sa pag-eensayo ito ang kanyang kasama,
Madalas pang asikasuhin s'ya,
Hanggang nagbago na ang damdamin n'ya.

Kapatid lang turing nito sa kanya,
Dahil ang gusto nito ay ang kanyang kuya,
Hanggang maraming nangyari nagkalayo sila,
Lumipas ang taon, dumating ang pagbabalik nila.

Mas better pa raw s'ya sa kanyang kuya,
Tila ang kuya n'ya ay nadidismaya,
Basta silang dalawa nag-eensayo ng masaya,
Ang kuya n'ya bahala na kung ano ang iisipin n'ya.

Naglaro sila, at sila ang naging magkapareha,
Halata ang inis nito sa sariling mukha,
Habang s'ya tahimik na nakatingin sa kanya,
Hanggang sa biniro na s'ya ng ate Maxpein n'ya.

Maraming ng nagbago sa kanila,
Mga kinikilos n'ya hirap ng ikaila,
Dahil ito ay hindi na noona para sa kanya,
Handa nang iparamdam ang tunay na damdamin n'ya.

S'ya ngayon ay hindi na bata,
Isa na s'yang misteryosong binata,
Kuya n'ya kakompetensya na nga ba talaga?
Isa na s'yang lalaki na humahanga.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now