Chapter 8

207 2 0
                                    

Yaz feel be like

Hindi na nabuksan,
Ang huli namin napag-usapan,
Natigilan ako nang s'ya'y makita,
Hindi naman ako namamalikmata.

Talaga ngang nasa harapan ko s'ya,
Hawak na bulaklak sa akin inabot n'ya,
Si Maxrill nandito para ako ay sunduin,
Ang mga isda sa aquarium nagawa n'yang panoorin.

Sa pagbitbit ng mga gamit ko, ako'y tinulungan,
Natuwa ko nang makita ko ang kanyang sasakyan,
Habang nasa biyahe ay panay ang salita ko,
Kaso sinusungitan naman n'ya ako.

Nang makarating kami sa bago kong tutuluyan,
Masyadong naging  seryoso ang aming usapan,
Pagpunta kay Maxwell ako'y sinamahan n'ya,
Nagkuwentuhan at nagkamustahan silang magkuya.

Lumabas si Maxrill at sinundan ko s'ya,
Hanggang sa naupo na rin ako sa tabi n'ya,
Mayroon na raw s'yang babaeng nagugustuhan,
Balak yata n'yang itong pormahan.

Kumain kami sa labas kasama rin si Keziah,
Sa pag-aasikaso ni Maxwell naiilang ako ng bahagya,
Nag-uusap sila ni Keziah kaya ako lumabas na lang din,
Nakita ko si Maxrill kumakanta naisipan ko s'yang panoorin.

Maglalakad  na ko palayo sana sa kanya,
Natigilan ako sa kantang kinakanta n'ya,
Hanggang sa ako ay napalingon ulit,
Ligaya ang kanta, hanggang sa akin s'ya'y lumalapit.

Mas lalo akong natigilan sa aking kinatatayuan,
Nang pisngi ko ay kanyang hawakan at halikan,
Pag-alis n'ya, napahawak ako sa aking pisngi,
Naninibago na ko sa mga ipinapakita n'ya lagi.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now