Maxrill feel be like
No'ng gabi gustuhin ko man s'yang ihatid,
Di ako pinayagan ng aking hambog na kapatid,
Si Maxpein sa mansion n'ya na ko pinapauwi,
Sa ibang pagkakataon na lang ako sa kanya babawi.Lumipas ang araw nagkaroon ng party sa amin,
Nahuli s'ya nang pagpunta, kaya s'ya ay naging agaw pansin,
Pinuri ko ang kanyang suot, sabi ko sana ay nagsabi s'ya,
Para sana s'ya'y aking sinundo, sa pagsayaw s'ya ay aking inaya.Ngunit hinapit ni Maxwell ang kanyang beywang,
Sa ginawa nito s'ya ay nagulat at napamaang,
Sabi pa nito, ako ay pumasok na tawag na ko ni mama,
Ako ay mabilis na umangal at tumingin dito ng masama.Sa inis ko ay naisipan ko na lamang ang lumangoy,
Tinatawag ko ang pangalan n'ya na walang ligoy,
Pinayagan s'ya nito, ngunit nang akmang maghuhubad na s'ya,
Mabilis na lumapit at hinila s'ya palayo ng aking kuya.Napailing ako at napasimangot na lang ng todo,
Ngayong gabi si Maxwell sa kanya ay protektado,
Nang kami na lang naiwan, tinanong ko agad s'ya,
Kung sa akin ba ay sasama s'ya, hindi ang naging sagot n'ya.Ang paliwanag ko sa kanya kasama naman si kuya,
Natigil kami, nang dumating ito at lumapit sa kanya,
Pare-pareho na kami uminom ng kanyang dalang alak,
Sa kinikilos ni Maxwell di ko alam kung may binabalak.Nagpasikat pa ito sa paglangoy sa aming dalawa,
Hinamon pa talaga ako, gusto ko tuloy matawa,
Namagitan s'ya at kanyang sabi huwag na, lasing daw kami,
Sagot ko s'ya ay kasali, hinila ko s'ya dahilan para s'ya'y mapatili.Dagdag ko pa na s'ya ang prize kung sino mang manalo,
Pero si Maxwell ay umapela, at s'ya na raw ang panalo,
Nilayo ko na s'ya rito at ipinuwesto sa aking likuran,
Si Maxwell ay pilit s'yang kinukuha at nilalapitan.Tinanong pa s'ya nito nang si Maxrill o ako,
Paulit-ulit s'yang pinapipili, s'ya o ako hirit pa nito,
Akmang sasagot na s'ya nang pare-pareho kaming natigilan,
Si Maxpein ay dumating at kami ni Maxwell ay sinermunan.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
BẠN ĐANG ĐỌC
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
Thơ CaAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...