Yaz feel be like
Bawat kilos mo mayroon bang pahiwatig,
Parang malulusaw na ako sa iyong titig,
At napapabilis pa nito ang puso ko sa pagpintig.Bawat haplos mo sa aking balat,
Labis na sa akin nagpapagulat,
Aking tinig tila yata mamamalat.Gustuhin ko man maniwala,
At sa 'yo ay lubos na magtiwala,
Pero ako ay madalas mong binabalewala.Aking mga mata, ikaw lang s'yang nakikita,
Kapag kaharap ka, nauutal na ko sa pagsasalita,
Dahil simula pa noon ay alam mong gusto na kita.Kung ako ay iyo lamang balak paasahin,
Di ko alam kung magagawa kitang intindihin,
Pagkat batid mo na ika'y halos aking sambahin.Matitiis ba kita, kasi mahal pa naman kita,
Kung sasaktan mo rin lang naman ako sinta,
Marahil di ko na nanaisin ika'y akin pang makita.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
CZYTASZ
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoezjaAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...