Chapter 6 (Maxwell)

747 14 1
                                    

Maxwell feel be like

Makalipas ang dalawang buwan,
S'ya ay akin nang naisipan  na tawagan,
Pagtatampo mula sa kanya, aking nahihimigan,
Matagal na rin mula nang pumunta ko rito sa Palawan.

Naikuwento n'ya si Maxrill ay nagpunta roon,
At akin nang inaasahan na gagawin n'ya iyon,
Iba na ang pakikitungo nito sa kanya ngayon,
Di na ito katulad na bata ang turing n'ya noon.

Mga bagay na di ko ginagawa, ito ang s'yang gumagawa,
Kaya naman sa aking sarili di ko maiwasan matawa,
Aminado ako, sa kanyang inaasta ay di ako natutuwa,
Sa kanyang nararamdaman ay wala akong magagawa.

Bakas pareho ang gulat sa kanilang mga mata,
Nang hindi nila inasahan na ako ay makikita,
Wala kong pasabi umuwi at sa kanila agad na pupunta,
Dahil sa pagtataka ay di agad s'ya nakapagsalita.

Nang nasa loob na kami ng aking kotse, nabalot kami ng katahimikan,
Subalit nang makahuma s'ya, ako'y kanyang pinagalitan,
Aminado naman ako, sa aking nagawang kamalian,
Sa inis n'ya sa akin, pinapabalik na n'ya ko sa Palawan.

Di n'ya alam, na ako sa kanya ay naghihintay,
Sa pagtulog ng nakaupo, parang di naman ako nangalay,
Nang makita ko s'ya, ngiti sa aking labi ay sumilay,
Niyakap ko s'ya nang mahigpit, pero ako ay kanyang sinaway.

Nang papalabas na kami, s'ya ay aking inakbayan,
Nilalayuan n'ya ko dahil sa mga nagbubulungan,
Sabi ko sa kanya, sila ay iyo nang hayaan,
Hanggang sa nagkaroon kami ng kaunting sagutan.

Binigay ko sa kanya, ang susi ng aking sasakyan,
Wala pa kong kain dahil dumiretso ko rito mula Palawan,
Ako naman ay mabilis n'yang sinermunan,
Sagot ko na kaya ko, kasi ako ay the best lang naman.

Pagkarating sa amin ako ay kanyang ipinagluto,
Pinagsaluhan namin ang niluto n'yang adobo,
Sabi ko sa kanya tumabi s'ya sa aking pagtulog, sagot n'ya ay oo,
Ngunit paggising ko wala s'ya sa aking tabi, kaya  sa guestroom s'ya ay pinuntahan ko.

Sa aking ospital kulang pa ko ng mga tauhan,
Mga nurse ay aking kailangan na kailangan,
Si Maxpein ay nagawa s'ya nitong pakiusapan,
Kaya ngayon kami ay magkasama na rito sa Palawan.

Itong si Montrell Venturi nakita s'ya at nilapitan,
Talagang tinanggap pa n'ya ang alok nitong pakikipagkamayan,
Sa tanong nito sa 'kin,  "own nurse" ko s'ya ang aking kasagutan,
Nang kami na lang dalawa, s'ya ay aking pinagsabihan na pag-aari ko ay kanyang ingatan.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang