MAHAL KO S'YA PERO,

404 8 0
                                    

Yaz feel be like

Pag-ibig kong nadarama ay bulag,
Sa mga nais n'ya hindi ako makapalag,
Kapag may kausap s'yang iba, 'di ako makasingit,
Pero kapag ako na ang kaharap s'ya'y napakasungit.

Namamagitan sa amin ay hindi ko alam ang tawag,
Hindi ko rin alam kung ayaw ba n'ya o s'ya'y duwag,
Nakukuntento ko madalas sa simple n'yang lambing,
Pero kapag nag-iisa na ko, ako'y madalas mapailing.

Sapat na ba sa 'kin kung anong meron kami,
Mga katanungan sa isipan ko ay napakarami,
Hindi ko na alam, kung ano na ang aking uunahin,
Aking puso't damdamin sana ay kanyang intindihin.

Dahil ako marunong ding mapagod at sumuko,
Lalo na't sa amin ay walang malinaw na ikaw at ako,
Mahal ko s'ya, pero nakakapagod ang masaktan,
Lalo na't parang sa kanya ay mabilis lamang akong palitan.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now