Chapter 3 (Yaz)

348 4 0
                                    

Yaz feel be like

Isip at puso ko ay nagtatalo,
Kung ako ba ay dadalo,
Sa kanilang munting salu-salo,
Puso't damdamin ko gulong gulo.

Pero gusto ko pa rin s'yang makita,
Kahit pa nasaktan ako sa kanyang mga salita,
'Di ko kayang salubungin ang tingin ng kanyang mga mata,
Nasasaktan na naman ako sa aking mga nakikita.

Kahit na ako'y galit sa kanya,
Namimiss ko pa rin talaga s'ya,
Hindi ko pa rin limot ang mga sinabi n'ya,
Magkatabi pa sila ni Keziah ng inuupuang silya.

Nagbibiruan ang mga kaibigan namin,
Tinutukso ang anak nina Naih at Maxpein,
Hindi maitatago ang ganda ng aking pamangkin,
Hanggang sa nagbago ang paksa ng usapin.

Huwag daw muna tuksuhin ang dalawa,
Si Maxwell kelan daw ba balak mag-asawa,
Tumingin s'ya kay Keziah sa aking sarili nais kong matawa,
Hindi ko alam kung bakit tila ako'y naaasiwa.

Hanggang sa nangibabaw ang boses n'ya,
Si Maxrill lahat kami ay napatingin sa kanya,
Kinausap n'ya agad kanyang kuya,
Hindi raw ito ginaganahan kapag walang kakompetensya.

Inawat sila para tumigil na ang tensyon,
Hanggang mapatingin s'ya sa aking direksyon,
Inalok ko s'ya kumain, nakatingin sa amin lahat ng naroon,
Kinuha ko s'ya ng makakain, pinausog n'ya lahat ng nandoon.

Si Maxrill ay tumayo dahil may kakausapin,
Nagkaroon na naman ng bagong usapin,
Performance ni Maxwell na isipan nilang kamustahin,
Si Keziah ako ang tinanong, noong una 'di ko alam ang sasabihin.

Yumayabang si Maxwell kapag masyadong pinapuri s'ya,
Sa salitang "better" ay ayaw na ayaw daw n'ya,
Nang sabihin kong "best" s'ya parang napakasaya,
Naging best daw s'ya dahil sa ipinapakita ko sa kanya.

Padabog na hinila ni Maxrill ang silya,
Kaya naman napatingin ako sa kanya,
Sa pagsasayaw ako'y kanyang inaaya,
Pabagsak na ibinaba ang baso ng kanyang kuya.

Sa mga mata ni Maxrill ay meron akong nakikita,
Malungkot ang nababasa ko sa kanyang mga mata,
May hopeless romantic crush daw s'ya,
Hindi ko gusto ang kutob ko sa sinasabi n'ya.

Hindi namin tinapos ang pagsasayaw namin,
Hanggang hinila n'ya ko sa may claw machine,
Tinanong ako ni Maxrill anong gusto kong kunin,
Nagulat kami ng si Maxwell ay nandoon na rin.

Sa kanilang dalawa ako'y naguguluhan,
Tila para silang nagpapaligsahan,
Si Maxrill ang una nag-abot sa akin ng laruan,
Si Maxwell tinatanong kung kapatid n'ya ay aking nagugustuhan.

Matapos kong sagutin ang kanyang katanungan,
Heto ako basta na lamang n'ya iniwanan,
Sa tatlong magkakapatid s'ya ang 'di ko maintindihan,
Pero napangiti ako sa binigay n'ya sa aking laruan.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon