Yaz feel be like
Hindi ko mapangalanan ang aking nararamdaman,
Kahit batid ko sa mga sinasabi n'ya ay mayroong nilalaman,
Nangangamba ako, ayoko itong sadyang malaman.Dati-rati magkapatid ang aming turingan,
Nariyan kami para sa isa't isa kung kinakailangan,
Bakit nagbago, tangi ko na lamang katanungan?Ayokong makita s'yang nasasaktan,
Kung maari lang nadarama para sa 'kin ay kalimutan,
Pakikitungo namin sa isa't isa ayoko ring mapalitan.Nais kong ibalik ang dati n'yang saya,
Kontento na basta may pagkain s'ya,
At ang turing sa 'kin isang noona n'ya.Hindi ko naman itinatanggi,
Na kuya n'ya ang bukambibig ko palagi,
Ngayon dahil sa ginagawa n'ya sa isip ko'y maraming sumasagi.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
ŞiirAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...