HUWAG MO LANG SABIHIN

371 6 4
                                    

Maxwell feel be like

Tayong dalawa ay pinagtagpo,
Pero ikaw ay sinaktan ko,
Sa akin tuluyan ka nang sumuko,
Hanggang sa ikaw ay kusa nang lumayo.

Sa ating muling pagkikita,
May kislap pa kaya ang iyong mata,
O sa akin ba'y iiwas ka,
Bagay na hindi ko na ipagtataka.

Ngalan ko'y hindi mo na bukambibig,
Sa tuwing magkakausap wala ng kilig,
Kung dati rati alam mo ang aking mga hilig,
Ngayon ngalan ko ay ayaw mo nang naririnig.

Nais kong hilingin na ako na lang sana ulit,
Gagawin ko lahat kahit sarili ko'y ipilit,
Tatanggapin ko ang lahat ng iyong galit,
Huwag mo lang sabihin na meron na kong kapalit.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now