Chapter 6 (Maxpein)

1.2K 28 0
                                    

Maxpein feel be like

Sabi ko kay Spaun babawi si mommy,
Pag natapos na ko sa pagiging busy,
Baka matulad pa s'ya sa kanyang daddy,
Lumaki pa s'yang may pagkabully.

Kaya naman tinukso kami ni Naih,
Si Spaun daw ay aming sundan na,
Aming bahay ay nanatiling masaya,
Kahit kaaalis lang nila Maxrill at kuya.

Si Yaz ay naisipan kong kausapin,
Nag-aalangan ako na s'ya'y tanungin,
Di ko tinatanggi mayroon akong napapansin,
Aming pag-uusap ay nagawa ko na lamang baguhin.

Lumipas ang mga araw at naging dalawang buwan,
Naroon pa rin si Maxwell sa isla namin sa Palawan,
Namiss namin sila Naih kaya aming pinuntahan,
Sa mga mata ni Spaun sila ay nagagandahan.

Si Deib Lohr ay naisipan nilang asarin,
Sigurado ba raw s'ya na ama s'ya ng anak namin,
Katahimikan ni Yaz ay kanyang napansin,
Pinayuhan pa, naisipan ko tuloy s'yang barahin.

Nagulat kami na si Maxrill ay nagpunta roon,
Kanyang mga mata ay kay Yaz lang nakatuon,
Sa aking mga tanong ayaw n'yang tumugon,
Masasabi ko ay ibang-iba na s'ya ngayon.

Si Maxwell ay dumating pala kinabukasan,
At si Yaz lang din ang unang pinuntahan,
Kaya ito ay nagawa kong pakiusapan,
Na magtrabaho na rin s'ya sa Palawan.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now