Yaz feel be like
Sa aking isipan lagi kang naroon,
Hanggang sa makatulog maging sa aking pagbangon,
Sa aking mga alalahanin lagi kang naroon,
Kahit balewala ako sa iyo simula pa noon.Sa aking puso't damdamin 'di ka maalis,
Bawat araw na nagdadaan lalo kitang namimiss,
Isang ngiti mo lang na napakatamis,
Ang nagpapasaya na sa akin ng labis.Nagkusa ang aking nararamdaman,
Puso't damdamin 'di ko basta tinuruan,
Namalayan ko na lang ika'y akin ng hinahangaan,
Hanggang sa ika'y akin rin tuluyang nagustuhan.Laging naroon ka sa sulok ng aking puso't damdamin,
Parati ko na nga sa 'yo inaamin,
Subalit 'di mo ko magawang intindihin,
Aking mga sinasabi sana iyong seryosohin.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...