Maxrill feel be like
Napakalayo man ng ating agwat,
Sa aking nadarama ay walang makakaawat,
Kaya naman akin na ring ipagtatapat,
Na ang hangarin ko sa 'yo ay tapat.Isang halik sa iyong pisngi,
Patunay na ika'y aking tinatangi,
Laman ka ng isip ko palagi,
Sa iyong buhay,hayaan mo akong maging bahagi.Alam kong mahirap na paniwalaan,
Pero sana damdamin ko ay iyong pagkatiwalaan,
Maging ang oras ko ay handa akong ilaan,
Mahalaga ka sa akin iyong pakakatandaan.Tawag ko man sa 'yo noon ay noona,
Pero ngayon ay hindi na,
Ang pangarap ko ay mapansin mo tuwina,
At nangangarap na mahalin mo rin sana.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...