Chapter 2 (Maxwell)

870 17 2
                                    

Maxwell feel be like

Ngayong umaga umuwi ako sa amin,
Sa akin ay agad s'yang nakatingin,
Ako ay mabilis n'yang binati,
May kalakip na matamis na ngiti.

Sabi ko simula ngayon doon na ko uuwi,
S'ya ay agad na naghimutok at ngumiwi,
Kung kelan daw uuwi s'ya sa kapatid n'ya,
Sagot ko kaya nga gano'n dahil wala na s'ya.

Sabi ko sabay na lang kami sa pagpasok,
Mabilis s'yang sumang-ayon sa aking alok,
Ngunit sa aking kotse ay di ko s'ya pinasakay,
Sa bintana nito ay matagal s'yang nakatunghay.

Si Maxrill panay ang tawag sa pangalan n'ya,
Sinigaw na s'ya na lang ang maghahatid sa kanya,
Di ko maiwasan mapatiim bagang sa aking narinig,
Pero s'ya nakatunghay pa rin sa akin at kinikilig.

Katwiran ko baka ano ang kanilang isipin,
Ng mga tao na makakakita sa amin,
Sagot n'ya roon din naman raw ang aming punta,
Biro ko "in your wet dream" di naman s'ya nakapagsalita.

Nauna na ko sa kanila, sa motor na s'ya sumakay,
Kay Maxrill na s'ya totoong nagpahatid at sumabay,
Pagdating ko sa ospital sa iba s'ya'y nakikipag asaran,
Sita ko sa kanila ang aga-aga naman ay nagliligawan.

Sa elevator di ko s'ya hinayaang sumabay sa akin,
Kaya naman bakas ang dismaya sa kanyang tingin,
Sa operating room, s'ya ay natataranta,
Di s'ya makapag focus kapag ako ang nagsasalita.

Nang kami na lang ay pinangaralan ko na s'ya,
Sa kanyang ipinakita ako ay labis na nadismaya,
Sabi ko kung ginawa n'ya lang ito para sundan ako,
Tigilan na n'ya, dahil nakasalalay dito buhay ng tao.

Bumalatay ang sakit sa kanyang mga mata,
Nag-iba ang tono ng kanyang pananalita,
Doktor Maxwell na ang tinawag na sa akin,
Tinalikuran na n'ya ko pagkatapos ng pagtatalo namin.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiDonde viven las historias. Descúbrelo ahora