Chapter 1 (Yaz)

190 1 0
                                    

Yaz feel be like

Hindi ko inaasahan na nandito s'ya,
Bakit nga ba sasabihin pa n'ya?
Sino nga ba ko para sa kanya?
Kaya hindi ko maiwasan mainggit kay Keziah.

Sanay na sanay na pinupuri s'ya,
Halata na rin pagiging malapit nila ni Keziah,
Dahil nakakayakap pa ito sa kanya,
Ang makita iyon ay tila hindi ko kaya.

Tumalikod na lang ako sa kanila,
Ayoko nang makita na malapit sila,
Wala na kong paki kung ano relasyon nila,
Kung umasta naman s'ya hindi n'ya ko kilala.

Abala ko sa pakikipagkuwentuhan,
Dito sa aking kasamahan,
Hindi ko man lang namalayan,
Na ako ay kanya nang nilapitan.

Sabi ko pa naman sa kausap ko,
Ang mahalin ang lalaking nasa likuran ko,
Ay parang paghinga, hindi ako mabubuhay ng wala ito,
Hanggang may bumulong sa tainga ko, kaya ko napahinto.

Paglingon ko ay nasa likod ko na pala s'ya,
Bahagya akong natulala sa kanya,
"Keep breathing then" iyon ang ibinulong n'ya,
Mga ikinikilos n'ya ay hindi ko na kinakaya.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now