Yaz feel be like
Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan,
Dahil sa simula pa lang, ako'y walang karapatan,
Wala ako sa posisyon para sa 'yo ay magdamdam,
Pagkat kung ano ba ko sa buhay mo ay di ko alam.Walang malinaw na namamagitan sa ating dalawa,
Kaya heto ako sa isang sulok at walang magawa,
Sa harap ng karamihan, ako ay iyong binabalewala,
Ngunit kapag ako kaharap mo iba ka, hirap maniwala.Sa iyong pagiging maalalahanin minsan ako'y kuntento,
Masaya na ko kahit sandali natin ay tumagal ng minuto,
Maghihintay pa rin ako sa 'yo kahit na sobrang tagal,
Sapagkat ang puso at isip ko sinasabi ikaw ay aking mahal.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...