Chapter 5 (Maxwell)

242 2 0
                                    

Maxwell feel be like

Kumuha ako ng tuwalya,
At tinakpan ko ang katawan n'ya,
Huminto kami sa tapat ng kuwarto ko,
Ayaw n'ya pumasok nagpumilit ako.

Pagpasok halatang umiiwas s'ya,
Buong kuwarto ko ay tiningnan n'ya,
Tiningnan n'ya mga koleksiyon ko,
Koleksiyon ko ng mga relo.

Niyakap ko s'ya mula sa likuran,
Bagay na hindi n'ya inaasahan,
Ano raw sa mga iyon ang aking paborito?
"Watching you" naman ang sinagot ko.

Sinabi ko na gusto ko s'ya,
Sagot n'ya wala lang daw si Keziah,
At lasing lang daw ako,
Sagot ko ay seryoso ko.

"Stay Single" habang malayo ko sa kanya,
Alam ko sa akin ay nagtataka na s'ya,
Nakita n'ya ready na ang mga maleta ko,
Sabi ko dito na lang s'ya matulog sa aking kuwarto.

Sa guest room na lang daw s'ya,
Tapos ako ay iniwan n'ya,
Makalipas ang ilang oras,
Ako ay lumabas.

Nakita ko ang kapatid ko,
Kausap s'ya sa labas ng kuwarto,
Nilapitan ko naman sila,
Nakisali ako sa usapan nila.

Si Maxrill ay ipinagluto s'ya,
Tapos ako naghugas ng pinagkainan n'ya,
Sa guest room ay  sumunod ako,
Hinanap ko kung nandon ang kapatid ko.

Lumabas daw ako at matutulog na s'ya,
Hindi ako sumunod sa gusto n'ya,
Hindi ko na napigilan ang aking sarili,
Hinalikan ko s'ya natigilan s'ya sandali.

Init ng sandali ay aming pinagsaluhan,
Pinairal n'ya ang kanyang kapilyahan,
Sa mga pagtatanong ay ginagaya n'ya ko,
Sa nangyari sa amin ay masaya ako.

Mahal n'ya ko sabi n'ya sa akin,
Sa sinabi ko s'ya ay nagtataka rin,
Nang magising s'ya kinabukasan,
Ang makita pa ko ay hindi n'ya inaasahan .

Umiral na naman ang kalokohan ko,
Sabay kami lumabas ng kuwarto,
Baka raw may makakita sa amin,
Nagawa ko naman s'yang hilahin.

Inasikaso ko naman s'ya,
"Saging o ako",tanong ko sa kanya,
Hanggang dumating ang kapatid ko,
Kaya kami ay napatingin dito.

Sa Airport nakita ko si Maxrill kinausap n'ya,
Huwag n'yang tingnan ito sabi ko sa kanya,
Bago ako umalis s'ya'y hinalikan ko,
Tiningnan n'ya kung may nakakita ba nito.








Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiKde žijí příběhy. Začni objevovat