Chapter 4 (Yaz)

1.1K 21 1
                                    

Yaz feel be like

Ngayon sa akin ay di s'ya masungit,
Himala sa akin yata ngayon s'ya'y mabait,
Inaya pa ko, sa kotse n'ya sumakay,
At ihahatid pa ko sa aming bahay.

Malapit na pala s'ya pumuntang Palawan,
Ano pa nga ba s'yempre ako ay maiiwan,
Sa party sa kanilang bahay ako ay inimbita,
Nang dumating ako marami ng bisita.

Si Maxpein agad akong pinuri at binati,
Si Maxrill sinalubong ako ng matamis na ngiti,
Masayang inaya n'ya pa ko na magsayaw,
Biglang lumapit s'ya sa akin,halos di na ko makagalaw.

Hinila n'ya ko sa may upuan at tinabihan,
Mga sinasabi n'ya sa akin, tama na ba ng kalasingan,
Si Maxrill panay ang tawag at yaya sa akin,
Medyo nahirapan ako na s'ya'y mapapayag at pilitin.

Akmang maghuhubad na ko ng aking damit,
Dahil nakapaloob naman ang aking swimsuit,
Nagulat ako nang bigla s'yang sumigaw at ako'y pinigilan,
Hinila n'ya ko palayo at doon sinimulang sermunan.

Lumalim na ang gabi mga bisita n'ya isa-isa nang nag-uwian,
Naiwan kami ni Maxrill sa swimming pool at nagkuwentuhan,
Nang lumapit na s'ya tila nag-iba na naman ihip ng hangin,
Sa isa't isa iba ang kanilang tingin tila may ibig sabihin.

Sa paglangoy ay mabilis s'yang naghamon,
Pumayag ito dahil mahilig s'ya sa kompetisyon,
Nagulat ako nang sabihin ni Maxrill ako ang premyo,
Hirit n'ya sa kapatid "di na kailangan panalo na ko sa 'yo".

Namamangha ako sa kanilang mga inaasta,
Nalilito na ko sa kanila at di makapagsalita,
Tinatanong pa n'ya ko " si Maxrill o ako",
Nakuha ko s'yang sawayin di ko alam isasagot ko.

Mabuti na lamang at dumating si Maxpein,
Nagawa silang sermunan nito at awatin,
Hindi ko na alam talaga ang gagawin ko sa kanila,
Kung umasta at magsalita kasi sila parang di ko na kilala.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now