Chapter 2 (Yaz)

1.6K 30 0
                                    

Yaz feel be like

Ngayon ay maaga akong gumising,
Kasi alam ko na s'ya ay darating,
Tinawag na naman akong assuming,
Ng kapatid kong sobrang galing.

Akala ko pa naman kami ay sabay,
Ngunit sa kotse n'ya ay di ako pinasakay,
Kay Maxrill na lang ako sumabay,
Sa motor n'ya kaming dalawa ay sumakay.

Sa hospital nag-iba na naman ang ihip ng hangin,
Sa loob ng elevator ayaw n'ya ko pasabayin,
Pabago-bago ang pakikitungo n'ya sa akin,
Sa inis ko sa kanya, nagawa ko s'yang sagutin.

Alam ko na hindi biro ang aking trabaho,
Sa mga sinabi n'ya mundo ko tila gumuho,
Marahil tama s'ya, na s'ya ay sinusundan ko,
Pero sa aking trabaho ay seryoso naman ako.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiKde žijí příběhy. Začni objevovat