Chapter 5 (Maxwell)

709 20 2
                                    

Maxwell feel be like

Nasa tapat na kami pareho sa pintuan ng aking kuwarto,
Pinapapasok ko s'ya, hangga't di s'ya pumapayag di ako huminto,
Nagtataka s'ya, kaya sabi ko baka kasi si Maxrill ay maisahan ako,
Napangiti ako nang pumasok na rin s'ya sa kuwarto ko.

Aking mga koleksyon na relo ay kanyang pinagmamasdan,
Aking paglapit sa kanyang likuran ay di n'ya namalayan,
Alin  daw sa aking koleksyon ang pinaka aking nagugustuhan,
"Watching you" ang aking  kasagutan sa kanyang katanungan.

Sa aking mga sinabi kanina ay hindi raw s'ya naniniwala,
Sabi ko sa kanya, "stay single" habang ako ay wala,
Sagot n'ya lasing lang ako, bukas s'ya ay aking ibabalewala,
Mga inaasta ko ngayon sa kanya ay di raw kapani-paniwala.

Matulog na raw ako, maaga pa flight ko kinabukasan,
Sabi ko sa kanya, sa pagtulog ako ay kanyang tabihan,
Lumabas s'ya, at ako ay kanyang mabilis na iniwanan,
Sila ni Maxrill ay nag-uusap nang aking maabutan.

Sa kanilang dalawa ay agad naman akong lumapit,
At sa kanilang usapan ay mabilis na sumingit,
Mga mata ng aking kapatid malapit ng sumingkit,
Nalilito na s'ya sa amin at napapangiti na lang ng pilit.

Nauna s'yang bumaba ng hagdanan sa amin,
Si Maxrill ay di ko tinigilan na asarin,
Pero mabilis s'yang nakaganti sa akin,
Sabi n'ya, ayaw ni Maxpein na may hugasin.

Sa guest room s'ya ay aking pinuntahan,
Mabilis ko naman, inilock ang pintuan,
Bagay na kanyang  labis na pinagtatakhan,
May ginawa ako na di n'ya rin inaasahan.

Napapayag ko s'ya sa aking kagustuhan,
Mainit na sandali ay aming pinagsaluhan,
Bakas sa mga mata n'ya ang kasiyahan,
Ngunit sa aking sinabi s'ya'y naguluhan.

Magkasama pa rin kami kinabukasan,
Pinagluto ko s'ya ng masarap na agahan,
Mamaya ay tutungo na kami sa Palawan,
Si Maxrill ay gising na at kami ay nilapitan.

Sa airport, sumama s'ya sa paghatid sa amin,
Pag-uusap nila ni Maxrill ay akin namang napansin,
Papalayo na ito, subalit s'ya ay nanatiling nakatingin,
Nilapitan ko s'ya, sabi ko wag n'yang saktan ang aking damdamin.







Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now