Yaz feel be like
Ano nga ba tayo?
Nais kong tanungin sa 'yo?
Ngunit natatakot ako,
Sa sagot na maririnig ko.Dati kuntento na ko sa pasulyap sulyap,
Mas naging masaya nang ika'y nakakausap,
Kahit na sa akin madalas kang umirap,
Ang mahalin mo rin ay isa sa aking pangarap.Gumaganda ang aking araw,
Pag ika'y aking natatanaw,
Sa iyong titig tila ako'y nalulusaw,
Isinisigaw nitong puso ko ay ikaw.Nangangamba man itong puso ko,
Dahil walang naririnig na pangako,
Hangga't maari 'di ako basta susuko,
Aasa pa rin, na mamahalin mo rin ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...