MINAMAHAL KONG TUNAY

346 4 0
                                    

Maxrill feel be like

Sa aming pamilya ako ang bunso,
Na ngayon ay may tinitibok na ang puso,
Bunso nila na noon ang hilig lamang ay kumain,
Ngunit ngayon ang hinihiling ay iyo sanang mapansin.

Ikaw noon ay itinuturing kong isang ate,
Kahit pa ang tingin sa 'yo ng iba isang maarte,
Alam kong pag nagmahal naman ay totoo,
Handa kang ibigay ang lahat ng buong-buo.

Matagal mo na ring gusto ang aking kuya,
Kaya hindi mo pansin aking presensiya,
Lakas loob akong umamin sa nararamdaman ko sa 'yo,
Umaasa pa rin ako na balang-araw na maging tayo.

Oo, ako ang kanilang nag-iisang bunso,
At ikaw ang nilalaman ng aking puso,
Ikaw na kanilang panganay,
Na minamahal kong tunay.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon