Yaz feel be like
Ako'y labis naninibago,
Sa kanyang pakikitungo,
Kung tutuusin noona na n'ya ko,
Sana lang ay nagkakamali ako.Ako'y noona n'ya na s'ya'y pinagluluto,
Isip ko at puso ngayon kanyang nililito,
Dati rati lamang kami ay naglalaro,
Ngayon puso at isip ko kanyang tinutuliro.Noon kumikislap ang kanyang mga mata,
Kapag nuggets na paborito ang nakikita,
Ngayon ay natatameme ako sa binibitawan n'yang salita,
Ngayon isa na s'yang binata na mayroong sinisinta.Sana nagkakamali lamang ako ng hinala,
Dahil ayokong makasakit sa kanila,
Nararamdaman n'ya hirap akong ikaila,
Dahil sa buhay ko parehong mahalaga sila.Sa buhay ko hindi na sila naiiba,
Silang dalawa ngayon sa 'kin nagpapakaba,
Pakiramdam ko tuloy buhok ko napakahaba,
Maxrill sa buhay ko ano ka nga ba?
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...