Yaz feel be like
Noon ay tinatarayan pa kita,
Hindi ka agad makapagsalita,
Nahalata ko na may gusto ka sa kanya,
Pero kaibigan mo ang mahal n'ya.Sa akin ay madalas kang masungit,
Aminado ako na may pagka makulit,
Pagkausap ako tila lagi kang galit,
Sinasabihan mo pa ko noon ng pangit.Naiinis ka, kapag binibiro kita,
Pinaniningkitan mo ko ng mata,
Sa akin ay mabilis kang mairita,
Minsan ay masakit kang magsalita.Humanga ko sa iyong mga talento,
Isang araw aking napagtanto,
Na ikaw ay akin ng gusto,
Hanggang umabot na ng taon ito.Lumipas ang ilang taon,
Ikaw pa rin ang aking inspirasyon,
Kahit para sa 'yo ay isang kalokohan iyon,
Puso at isip ko, ikaw pa rin ang laman hanggang ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
ŞiirAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...