Chapter 7

454 8 0
                                    

Yaz feel be like

Hinintay n'ya ko matapos maghapunan,
'Di mawari nung una saan ang aming patutunguhan,
Parang ang layo yata ng kuwartong ito sa iilan,
Pagpasok namin ay nasagot na aking katanungan.

Muli nadala na naman ako sa aking kahinaan,
Sa kanyang kagustuhan, s'ya'y aking hinayaan,
Sa bawat haplos ng kamay n'ya sa aking katawan,
Aminado ako handa na naman isuko ang ano pa man.

Ilang beses namin pinagsaluhan ang sandali,
Sa kanyang tabi nais n'ya kong manatili,
Kapag wala ako sa paningin n'ya, tila s'ya'y 'di mapakali,
Alam ko na ang aming ginagawa ay mayroong mali.

Naninibago ako sa kanyang paglalambing,
Sa bawat segundo, nais n'ya akong makapiling,
Sa puso ko sana ay totoo, ito'y aking hiling,
Sa kanyang pag-iinarte, ako'y napapailing.

Nanatili s'yang nakahiga sa aking tabi,
Malalim ang iniisip at tikom kanyang labi,
Tinanong ko s'ya, natigilan ako sa kanyang sinabi,
'Di ko mawari kung gusto n'ya kaming magkababy.

Kailangan alam pa n'ya gagawin ko minu-minuto,
Sa akin, 'di ko malaman kung s'ya'y istrikto,
Pagbalik ko, s'ya ang nagbukas ng pinto,
Sabi n'ya, huwag akong lalabas ng kuwarto.

Hindi ko maitatanggi, ako'y masaya,
Pero sa sarili, ako'y nakaramdam ng hiya,
Lalo nang makita ko sila at si Keziah,
Sa aking sarili, ako'y nadidismaya.

Oras-oras ako'y kanyang tinatawagan,
Ako pa madalas n'yang pagsilbihan,
Nangangamba ako at naguguluhan,
Ang sitwasyon namin ay 'di ko maliwanagan.

Aming ginagawa sa patakaran ng ospital,
Ay mahigpit na mahigpit na ipinagbabawal,
'Di ko nga alam kung ako'y kanyang mahal,
Pero sa kanyang piling, nagagawa ko pang magtagal.

Nagkausap kami ni Keziah at ako'y pinagsabihan,
Mga sinabi n'ya sa akin ay tama nga naman,
'Di ko alam, paano ko sa kanya sasabihin at paano sisimulan,
Pag-alis ko don sa kanyang bahay ay baka 'di n'ya ko payagan.

Kinabukasan niyaya ko na s'ya mag-agahan,
Umiral na naman ang kanyang kapilyuhan,
Pinaupo ako sa kanyang kandungan,
Sa higpit ng hawak n'ya ay ayaw na akong pakawalan.

Aking uniporme ay aming pinag-usapan,
Binigay na raw n'ya ang sukat ng aking katawan,
Tatlong araw na lang at iyon ay akin ng kailangan,
Natameme ako sa kanyang mga sagot at katwiran.

Sa mga sumunod n'yang sinabi ay mas lalo akong naguluhan,
Sabi pa n'ya "Commitment", mas lalong 'di ko maintindihan,
"I want you Yaz", ang kasagutan n'ya sa aking katanungan,
'Di ko malaman kung bakit ako ay biglang kinabahan.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now