LWL (prologue)

229 0 1
                                    

My feels as a reader

Ano ang dahilan bakit lumayo na s'ya?
Ano nga ba ang dahilan ng pagsuko n'ya?
Mas pinili ba nito si Keziah kaysa sa kanya,
Lumayo na lang kasi hindi na n'ya talaga kaya.

Bakit n'ya nasabi na hindi s'ya nito gusto?
Umamin na ba at pumili na rin ba ito?
Napagpasyahan na n'yang lumayo rito,
O baka naman pinapili s'ya nito?

Makalipas ang ilang taon umuwi na s'ya,
Ano ang matinding dahilan n'ya?
Nasaktan ba s'ya ng todo dahil sa kanya?
O sumuko na s'ya dahil ang sakit ay hindi kinaya?

Bakit tuluyan na rin n'yang binitawan?
Ang alaala nilang dalawa sa Palawan,
Kahit na malayo na s'ya patuloy na nasasaktan,
Si Maxwell kaya na nga ba n'yang kalimutan?

O bakasakali puso at isip n'ya ay 'di na maintindihan,
At sa dalawang magkapatid ay labis na naguluhan,
Dahil may damdaming umusbong na 'di na n'ya inaasahan,
Sino si Mr.Best na s'ya'y sinusuyo at pinagdadalhan?

Del Valle nga ba ito o lalaki na minahal n'ya,
Na nais bumawi dahil sinaktan s'ya,
Mr. Best sino nga ba para sa kanya?
Isa ba sa Del Valle kung hindi man sila ay sino kaya?

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now