Chapter 9

198 1 0
                                    

Yaz feel be like

Unang araw kong pumasok sa ospital nila,
Nahihirapan ako dahil balik ako sa simula,
Hindi ko alam kung sa akin may problema ba s'ya,
Wala kong magagawa dahil mas mataas ang posisyon n'ya.

Nasa patakaran ng ospital na bawal ang relasyon,
Sa kapwa na nagtratrabaho rin doon,
Ano kaya gusto n'yang palabasin don?
Naiintindihan ko naman kasi 'yon.

Nakakahalata na ko rito kay Keziah,
Pati past ko ay inuusisa pa n'ya,
Alam ko iba posisyon ko sa kanya,
Kung nasaan si Maxwell ay nandoon s'ya.

Lunch break na lahat nasa canteen,
Lahat ng nandoon sa kanila napatingin,
Samantalang ako iniiwas ang paningin,
May mga bago kong nakilala rin.

Maraming nagsasabi na bagay sila,
Lahat ng atensiyon halos nasa kanila,
Nakikita ko ngumingiti s'ya,
Kapag tinutukso s'ya kay Keziah.

Nalaman ko na si Maxrill ay nandito,
Accountant pala s'ya rito,
Mga kasamahan ko nagulat na kilala ko ito,
Kaya naman nagsimula na ang pag-uusisa nito.

Ang ibang nandon na lalaki tinatanong ako,
Kung may boyfriend na raw ba ko?
Si Maxwell ramdam ko ang paningin nito,
Kaya tumayo na ko at lumabas ng pinto.

Pabalik na sana kami nang makita ko s'ya,
Si Hee Yong ay kinakantahan na naman n'ya,
Nagpaiwan ako para pakinggan ang kanyang pagkanta,
Napapangiti ako dahil napapapikit pa ang kanyang mga mata.

May mga dumating kaya s'ya napahinto,
Lumapit s'ya at kinausap ang mga ito,
Itong lalaki parang nakita ko na 'to,
Montrell Venturi ang pakilala nito.

Si Maxwell daw ang kanyang sadya,
Si Maxrill pinapaalis na s'ya,
Kinilabutan ako sa paraan ng pagsagot n'ya,
Kinakabahan ako parang si Montrell may binabalak sa kanya.



Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon