Yaz feel be like
Ilang buwan din kayong nawala,
Nang kayo'y bumalik ako'y sumigla,
Puso ko ay nag-uumapaw sa galak,
Kaya naman mabilis akong gumayak.Kaming dalawa ni Pein ay nag-usap,
Nakikita ko na mata n'ya'y may kislap,
Masaya na s'ya sa piling ng kanyang asawa,
Sa kanyang mga kuwento, ako'y napapatawa.Sa aking paglabas, hinanap ko agad kayo,
Nang mapatingin ka sa akin, ngumiti ako sa 'yo,
Nang makita ko na si Maxrill na yakap ko s'ya,
Kasi nakaramdam ako nang ibayong saya.Namangha ako sa pagbabago ng tikas ni Maxrill,
Sa kanyang pagtawag sa akin, ako'y napapatigil,
Di ako sanay na tinatawag n'ya lang ako sa pangalan,
Para sa akin ay magkapatid lang ang aming turingan.Ngunit wala pa ring nagbabago sa pakikitungo mo sa akin,
Masungit ka pa rin, kapag ika'y aking kakausapin,
Natitigilan na lamang ako sa mga binibitawan mong mga salita,
Nais mo bang sabihin na patuloy na mahalin pa rin kita.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...