YAZWELL MOMENTS (LWL) Chapter 1 to 9☺

263 2 0
                                    

Masaya nang muling makita s'ya,
Walang nagbago sa nadarama n'ya,
Kahit na sobrang sungit nito sa kanya.

Sabi nito hindi akalain na seryoso s'ya,
Dahil mag-aral muli ay kinaya n'ya,
Ano pa ba gusto nito para mapatunayan sa kanya?

Nasasaktan kapag kasama si Keziah,
Dito kasi iba ang pakikitungo n'ya,
Kay Maxwell ay naguguluhan s'ya.

"Keep breathing then" ang bulong nito sa kanya,
Kung ganon may pag-asa pa s'ya,
Itutuloy pa ang nararamdaman n'ya.

Hindi pa rin ito nagbabago,
Ganon pa rin ang pakikitungo,
Ugali nito ay pabago-bago.

Hindi na nga s'ya sinabay,
Sa kotse ayaw s'yang isakay,
Sa may elevator ito pa ay nagtaray.

Si Maxwell ay sinermonan s'ya,
Sa performance n'ya ay nadismaya,
Sabi pa ay tigilan na rin n'ya.

Nasaktan s'ya ng husto,
Nag-aral dahil kanya ring gusto,
Masakit ang mga sinabi nito.

Ayaw na sana n'ya dumalo,
Sa kanilang salu-salo,
Puso at isip naman n'ya ay nagtatalo.

Masakit ang kanyang nakikita,
Tahimik s'ya at hindi nagsasalita,
Kapatid n'ya, s'ya'y sinisita.

Hanggat maari ayaw n'yang purihin ito,
Kasi lumalaki ang ulo nito,
Wala kinikilig pa rin s'ya rito.

Nagugulat s'ya pakikitungo nito,
Biglaang nagbago at nakakalito,
Ano'ng nangyari sa Del Valle na ito?

Naghihigpit ito bigla sa kanya,
Biglaang pinuri pa s'ya,
Pinapalayo pa sa kapatid n'ya.

Damdamin n'ya ay bumigay,
Kahit hindi n'ya sigurado kanilang lagay,
Kahit wala itong pangakong ibinibigay.

Naroon na si Maxwell sa Palawan,
At heto s'ya sa Laguna na naiwan,
Walang tawag ng ilang buwan.

Dumating na lang ito bigla,
Naghihintay sa harap ng bahay nila,
Kinausap ang kapatid saka s'ya hinila.

Sa trabaho s'ya'y hinintay,
Sa pagkakaupo habang tulog hindi yata nangalay,
S'ya na rin ang naghatid sa bahay.

Ito ay kanyang ipinagluto,
Pinatutulog s'ya sa kama nito,
Pero natulog s'ya sa ibang kuwarto.

Maaga itong nagpaalam sa kanya,
Bago umalis ay hinalikan pa s'ya,
Sa Palawan na rin ay trabaho n'ya.

Sa kanya ito ay naging istrikto,
Doon na lang daw s'ya kuwarto,
Ayaw yata s'yang pag trabahuhin nito.

Malambing ito sa kanya,
Kaya naninibago na rin s'ya,
"I want you Yaz", iba yata ang intindi n'ya.

Bulaklak ay binigyan s'ya,
Pero si Maxrill ang nag-abot sa kanya,
Hanggang sa pumunta sila sa opisina n'ya.

Sa trabaho ay nagsimula na s'ya,
Maraming nagtatanong ng pangalan n'ya,
Ramdan n'ya si Maxwell ay nakatingin sa kanya.




Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now